4/18/2006

Mahiwagang Elesi

Hindi ako makapag-isip, hindi ako makapagsulat. Nakakainis. Marami akong kailangang gawin (palapit na ang finals namin, shiyet), pero hindi ko naman maumpisahan ang trabaho dahil wala ako sa mood. Susmaryosep. Naisip ko tuloy na magsulat sa Filipino. Oo, kaya ko 'tong gawin, at kaya ko siyang gawin ng maayos. Linggo ng Wika kunwari. At ako raw si Balagtas.

* * *

Hindi, loko lang. Hindi ko kayang magbalagtasan. Baka multohin pa ako rito ni Ginoong Francisco. Maabala ko pa yung kapitbahay kong pari na si John. May kukuwento nalang ako. Noong isang linggo (hindi ko na maalala kung kailan), nakausap ko si Marianne, kaibigan ko noong high school. Nasa Chicago siya ngayon - malapit-lapit na rin dito siguro, hindi tulad ng mga iba kong kaibigan na nandoon ba naman sa kabilang dulo ng mundo, sa California. Nagkuwentuhan kami, nagtawanan. At siyempre, napunta sa boys ang usapan.

Tanong niya sa akin, "So ilan na ba ang mga boys mo dyan?"

Sagot ko: "Ah... wala." At sinabi ko sa kanya na nagpapakamanang ako rito at na si Maria Clara kaya ang kausap niya. Sabi niya sa akin, hay nako, hindi na uso yan ha.

"Manang Maria Clara, live it up! Sige na."

Hmmm, masubukan nga.

* * *

Ubo ako ng ubo noong isang gabi. Exag. Akala siguro ng mga kapitbahay ko na susuka ako ng kalabaw. Hindi lang isa pero tatlo. Ganoon kalala. Pero okay na ako ngayon. Sinisipon pa rin, konti, pero okay na, pagaling na ang bata. Buti naman. Ayoko nang maging Rudolph the Red Nosed Reindeer, at nakalipas na ang pasko.

* * *

Sumisigaw na ang sawa at galit. Gusto kong sumama sa Alapaap. Mahiwagang Elesi, tara na!

8 comments:

HANS V. said...

this was a fun post. a bit hard to decipher than usual, but fun nonetheless. I especially liked how you used the term "exag" and made it filipino. and i agree with marianne, live it up, manang camilla! speaking of, when am i going to here this "raunchy" story of yours?!

Anonymous said...

HAHAHA!!! I can so imagine Marianne saying that to you!!! HAHAHAHAH!!!!

m said...

Cams, this one is hard to read! My reading skills in Tagalog need work haha. Though I had to laugh at your "pagpapakamanang"--LOL, haven't heard that term in a while! :D

Anonymous said...

uh, okay..... :-|

CS said...

CL: Haha, thanks! Re the story, if and when I live it out, that's when. But don't count on it.

Gi: Haha, that's not all Miyan said. Riot, Gi, you should call her - mega laugh trip! :)

Maf: Hey, guess what - I watched na Harry Potter 4! Actually, before pa, but I just remembered that I didn't tell you yet. I can actually read your post on it na. When I take a break from being a manang, that is. ;)

Chai: Cheers, Chuckie!

Anonymous said...

uy marianne is there already? cool. ano may boyfriend na ba sya now?

oh camille, another eheads fan?

ZeMarketinGuru said...

just come to SG and ull have fun. no need to go alapaap my dear. ahahha. visit me and lets rock and roll babyyyyyyy..whahahaha!

CS said...

Jufran: Yeah, she's in Chicago! Might visit her over there when I have free time. Re Eheads, yeah naman! They have good music. :)

Rubnan: Hahaha, funny ka, Elvis. Cheers lah!